We are God's perfect couple

Daisypath - Personal pictureDaisypath Anniversary tickers

Thursday, April 30, 2009

Kagandahan ng Norte

Salamat sa mga ganitong klaseng seminar kung saan ay sa labas pa ng Maynila ginanap. Ngayon lang ulit ako nakadalaw sa mga baluarte ng mga prominenteng tao gaya ng mga Marcoses. Nag enjoy ako ng todo hindi sa beach kundi sa Heritage Village sa may Vigan. Ang gagara ng mga bahay at ang sasaya ng mga tao. Guso ko na sanang bilhin ang lahat ng meron sa lugar na iyon.
Pagkatapos namin puntahan ang mga simbahan at ang iba pang mga sikat na lugar sa Ilocos Norte at Ilocos Sur ay dumeretso kamin sa pinakamamahal kong Baguio City! Hay, welcome back home
Agnes!

Sunday, April 19, 2009

Holy week in Baguio with Talento

Ito  na ang dream come true ni Tals! Ang makapunta sa Camp John Hay (CJH)! Yipee!
Tatlong lugar lang naman ang napuntahan namin sa
CJH gaya ng The Suite, The Manor at ang Mile Hi. Inenjoy lang namin ang view sa CJH at nagtanong ng rates sa mga hotels..you know, in case.Hehehe!
Pagkatapos naming ikot ikutin ang CJH ay tumuloy kami sa pinaka aasam asam kong kainan, ang Cafe By The Ruins. dito na kami nag tanghalian ni Tals. As
usual, I ordered salad para malamig sa katawan. Si Tal naman ay nag spicy bangus. Okay din ang tsokolate nila na mapait pait ng konti. Bagay talaga sa katulad kong super tamis.
 After lunch ay naisipan ni Tal na mag SM. Ok sige, mag SM ba! Parang walang Sm sa manila noh? Nangumpara lang naman ng presyo si Tal. Naisipan na ni Tal mag kape at pagkatapos non ay nagyaya na ko umuwi. Dahil sinisipon na ako.

Friday, April 10, 2009

TalNes sa Baguio

Thursday, April 9, 2009

Biglaan sa Baguio

Iba talaga pag biglaan ang mga lakad! May kakaibang sarap at kaba kang nadarama! Yan ang ang mga emosyon na dumaloy sa akin nung biglaan kaming nagpunta sa Baguio City na walang ka plano plano anu man. kakaiba rin ang "adventure" pag holy week ka pumunta doon. 7:30 kami nakarating sa Victory Liner, Cubao ngunit 10:30 na kami nakasakay sa bus. Kasama ko nga pala si Tal(boyfriend and financier) at si ate Eya ko. mabuti na lang at maagang pina uwi si Eya ng boss nya.
Mga 5:30 am ng hwebes na kami nakarating sa bahay ng aking lolo't lola. Nagpahinga ng konti then nag almusal tapos nanaghalian tapos sumamba na kami ni Tal sa kapilya ng Magsaysay.
Pagkatapos naming sumamba ay tumuloy kami sa bagong gawang bahay ni kuya Glenn sa Quezon Hill. Doon ay nag kodakan kami, nagkwentuhan at nagkasiyahan. Pagkatapos namin kina kuya Glenn ay nag pakain naman sa Sizzling Plate si Kuya Garth. Ang pinaka aasam asam kong steak ay nakain ko muli...SARAP! Thank you kuya Garth! Thank you kuya Glenn! Huwebes lang yan..may byernes at sabado pa!

Thanks Boss Anto ♥

Ako ay tuwang-tuwa nang malaman ko na ipapakilalal na ni Anto ang kanyang misis na si Bessie. Isa lang ang ibig sabihin nyan, may kainan! Yipee! Ninanamnam ko na ang mga iba't ibang putahe na matitikman ko. Hay buhay talaga...ang sarap! Lalo na't may masasarap na handaan! Salamat boss Anto!

Itong si Talento talaga! Ni di man lang nangalahati ang kanyang inorder na isda. Sayang talaga!

Nais ko sanang kumain ng paborito kong steak. Kaya lang naalala ko na kailangan ko nang alagaan ang aking maselan na
katawan. Kaya, isang salmon with mixed veggies na lang ang kinain ko. Masarap na, masustansya pa!

Ito si boss Anto at ang kanyang cute na may bahay na si Bessie.
Maraming salamat muli!

Sunday, April 5, 2009

Ang Bakasyon

Salamat at may isang linggo kaming bakasyon! Sa mga panahong ito ay makakapag internet to the max ako at maaring magpuyat at magising na ng tanghali. Sayang nga lang at wala pang sweldo sa mga araw na iyon. Sa isang linggong ito ay pwede kong magawa ang mga bagay-bagay na dati ko pang gustong gawin tulad ng pag-aayos ng aking mga gamit sa kwarto at pagtapon ng mga abutingting na di na talaga kailangan at inaalibukan lang sa aking lamesa.Pwede na rin akong kumuha ng mga litrato ng mga kung anu-ano at i-upload sa flickr. Maari na rin akong manood ng telebisyon ng buong magdamagan hanggang sa antukin ako. Salamat sa isang linggong bakasyon! takenote, isang linggo laang yan!