We are God's perfect couple

Daisypath - Personal pictureDaisypath Anniversary tickers

Thursday, April 9, 2009

Biglaan sa Baguio

Iba talaga pag biglaan ang mga lakad! May kakaibang sarap at kaba kang nadarama! Yan ang ang mga emosyon na dumaloy sa akin nung biglaan kaming nagpunta sa Baguio City na walang ka plano plano anu man. kakaiba rin ang "adventure" pag holy week ka pumunta doon. 7:30 kami nakarating sa Victory Liner, Cubao ngunit 10:30 na kami nakasakay sa bus. Kasama ko nga pala si Tal(boyfriend and financier) at si ate Eya ko. mabuti na lang at maagang pina uwi si Eya ng boss nya.
Mga 5:30 am ng hwebes na kami nakarating sa bahay ng aking lolo't lola. Nagpahinga ng konti then nag almusal tapos nanaghalian tapos sumamba na kami ni Tal sa kapilya ng Magsaysay.
Pagkatapos naming sumamba ay tumuloy kami sa bagong gawang bahay ni kuya Glenn sa Quezon Hill. Doon ay nag kodakan kami, nagkwentuhan at nagkasiyahan. Pagkatapos namin kina kuya Glenn ay nag pakain naman sa Sizzling Plate si Kuya Garth. Ang pinaka aasam asam kong steak ay nakain ko muli...SARAP! Thank you kuya Garth! Thank you kuya Glenn! Huwebes lang yan..may byernes at sabado pa!

No comments:

Post a Comment